Why The Jeje Must Go

I freaking hate Jejenism - its the way people type. They purposely insert unnecessary letters to make their sentences stylish or to hide the fact that they don't know the correct way to spell.

This is indeed annoying and the massive growth of the number of people doing this is staggering. Along with that growth comes the growth of the haters. I mean, try reading this and see if you don't cringe:



But lately there have been supporters of these poeple. That is understandable since they are getting massive heat from everyone. Fan Pages against Jejemons and Jejenism can have around 80k members.

Take this article: Jejemons daw. I see where he is coming from and he does have some valid points but the conclusion and message he is ultimately trying to deliver is just flawed for me.

Wag ka na makidagdag pa sa pagpapakalat ng galit sa mga taong ito. Mabuti pa manahimik ka nalang dahil wala kang mabuting natutulong sa Pilipinas.

It has indeed gotten out of hand. Now the ridicule extends to the Jejemon's fashion statement and social status which is wrong. That's why I say I see where he is coming from. But who is this guy to police everyone else?

There are several points in his article that I disagree with:

"Wala naman silang nasasaktan sa estilo ng text o pananalita nila, pero ang mga lumalabas na panlalait sa bibig niyo nakakasakit sa kanila."

Mananagalog na rin ako kasi baka sabihin nyang elitistang pasosyal ako.

May nasasaktan sila. Nababastos ang wika natin. Ipinagdiriwang natin taon-taon ang Linggo ng Wika. Tama, "Linggo" at hindi "Araw." Ganon ka-importante ang sarili nating wika. Sabi ni Rizal "Ang di magmahal sa sariling wika ay mabaho pa sa malansang isda." Ganito mo ba mahalin ang wika mo? Pinahihirapan mo ang sarili mo at ang mga tao na magbabasa ng sinusulat mo?

Oo, masakit malait. Pero intindihin sana ng mga tao na nasa Internet sila at makikita sila ng buong mundo. Naisip ba natin na opinyon ng mga tao ang sinasabi nila?

Tandaan: Hindi sila pinilit na magdamit ng ganon, yun ang personal nilang istilo. Kasalanan ba ng ibang tao kung palagay nila na katawa-tawa ang itsura ng nakikita nila? Kahit sa Hollywood, ang mga sikat na artista ay pagpipiyestahan sa red carpet sa mga award shows at sunod na lalabas ang mga opinyon ng mga kritiko sa pananamit. Pero may nakita ka na bang artistang nagalit o kahit sinong nagsabing wag i-criticize ang pananamit ng ibang tao? Isa pa, ang konsepto ng fashion police ay applicable din sa mga regular na tao.

Ito ang problema sa ating mga Pilipino, ang gusto natin puro positibo ang opinyon tungkol sa atin. Pag nakarinig tayo ng masama, iisipin agad na paninirang-puri. "You cannot please everybody." Isipin din naman natin na dine-describe lang ng mga tao minsan ang nakikita nila. Natural na may mga pangit at maganda.

Isa pa - wala akong narinig na galit mula sa mga Jejemon di gaya ng nagsulat ng artikulo. Buti pa sila at marunong tumanggap ng kritisismo.

"Ayan ang problema. Masiyado tayong mapanghusga at mapang-mata sa mga tao."

Sana di mo rin hinusgahan lahat nang taong ayaw sa pananalita ng mga Jejemon. Hindi lahat ng galit sa mga "Jejemon" ay mapanlait. Maraming gusto lamang matigil ang malaking kalokohang ito at gustong luumugar sa tama.

"Wag kayong masyadong pasosyal."

Kailan naging pa-sosyal ang pagsasalita ng tama?

Parte ito ng mas malaking problema sa ating mga Pilipino. "Di bale nang mali ang grammar/spelling, naintidihan naman yung ibig kong sabihin e." That thinking breeds mediocrity. That is saying that the end always justifies the means. I don't think so. Oo, may pagka-grammar nazi ako.

With all that said, my biggest problem is that he suggests that we just ignore these people. That is not constructive. I say, when you see something wrong, fix it. Its definitely wrong to hate it or loathe it but its also, if not more, inappropriate to ignore it.

Hate the Jeje, not the Jejemon.